Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.

Biyernes, Disyembre 19, 2014

Pacquiao vs Mayweather

Matuloy na kaya ang inaasam-asam ng buong mundo na laban ng dalawa sa pinakamagagaling na boksingero sa kasaysayan ng boksing. Hangang ngayon marami pa rin ang umaasa na matutuloy ang laban ni Manny 'PACMAN' Pacquiao at Floyd 'Money' Mayweather Jr. sa gitna ng napakaraming kontrobersya sa pagitan ng dalawang kampo.

Sinabi ni Mayweather na ang gusto niyang susunod na makalaban ay si Pacquiao sa Mayo 2, 2015. Si Pacquiao man ay nagsabi sa kanyang twitter na "dapat bigyan nila ang mga fans ng laban na kanilang matagal ng gustong mangyari".

Kung matutuloy ang laban, ito na ang tinatayang pinakamalaking laban sa istorya ng boksing na maaring magbigay ng premyong 100 milyong sa bawat boksigero dahil ito ay inaabangan ng lahat ng tao sa buong mundo hindi lang ng mga fans ng boksing kundi pati na rin ng mga ordinaryong mamayan na gustong maging saksi sa history na maaring mangyari.


Socializer Widget By Blogger Yard
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento